Magandang araw mga kababayan.
Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.
May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.
Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
Sa totoo lang alam naman na ng mga taga bangko ang tungkol sa bitcoin at cryptocurrency subalit hindi nila ito kailanman kikilalanin bilang isang source o mapagkukunan ng kita dahil ang cryptocurrency nga ay decentralized or walang namamagitan at kumukontrol sa operasyon nito na kabaliktaran na kabaliktaran ng layunin at gawain ng mga bangko na sila ang nagiging middle man para sa mga kliyente nila at sa mga negosyong kanilang pinapasok na gamit ang pera ng mga depositors nila. Mas katanggap tanggap pa kung sabihin mo na ikaw ay nagba buy and sell ng online ng may produkto kesa ang sabihin na kumikita ka sa cryptocurrency.