Magandang araw mga kababayan.
Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.
May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.
Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
ang masasabi ko lang ay delikado mag lagay sa bangko ng pera lalo na kapag ang kita mo lang ay minimum.
Paano mo po nasabi na delikado ang paglalagay ng pera sa bangko since sinubukan ko na ito gamit ang LBP. Yung kinikita ko weekly is nilalagay ko sa ATM ko and wala naman akong nakikitang problema or bawas dun. Isa pa, libre ang transaction sa mga banks even though na 6 pm or earlier than that siya narerecieve kaya para saken, mas maganda magtransact ng pera sa bangko.