Parang hindi pala siya ganon kakumplikado (hanggang member siguro) pero pagdating sa mga full member pataas parang ang hirap na isipan ng kung ano mga ilalagay at design (yung mag papa code ba nag bibigay nito? Or mga nag cocode din?). Pati may tanong lang ako bakit hindi nacclick yung sa may mga final product?
Edit: image pala yon HAHAHA, iniisip ko kase baka pag yung local section lang yung pinindot saka ma reredirect sa local (pero ikaw naman bahala dun diba? Kung saang part ng code mo yung pwedeng iclick tapos kung saan saan pwedeng iredirect?) Tapos nung nag click na ko kung saan saan saka ko narealize na picture pala yon.
Madali lang gumawa ng Signatures kapag simula Jr. Member to Full Member dahil ang common na gawin ay table lang at unting Unicodes. Ang mahirap lang gawan ng Signature ay yung Sr. Member pataas since pwede ka ng maglagay ng Icon at gagawin yung using blocks.
Yep, ikaw bahala doon kung saan ididrect kapag na-click yung mga text na naka hyperlink.
Nice guide. Sana ma-pin tong thread. Tagal kong wala dito sa forum, siguro habang walang sig campaign mags-test ako gumawa ng sigs. May mga nakita ako dati na nagbabayad sa pagawa ng sig, at least kung di man mapagkaperahan eh may sariling unique sig. BTW wala bang way para mag-insert na lang ng image?
Thank you for the merit sir! Appreciated!
Wala pong way para gumamit ng image kahit ang gawin ay i-resize kaya kailangan mo talang gumawa ng Icon using ASCI blocks.
Still accepting questions about signatures, sasagutin ko lahat 
Maraming salamat sir! Aralin ko to pag nagkatime, acads muna ulit tutal pasukan na.
Meron bang software na automatic gumagawa ng icons? Para hindi na tayo magmano-mano kasi ang hirap kapag wala kang passion at hindi ka artistic. Limit lang ang imagination kasi kapag ganon kaya mahihirapan ka sa paggawa ng ganitong posts.
Oo nga meron nga ba? Or parang Picture tas automatically icoconvert into BB codes. Wait, parang meron ngang ganitong site, alam ko nag ganto kami nung Elem/HS eh. Double check natin.