guys, nag invest ako ng altcoin nung march kaya lang yun coin na nabili ko ay bumaba ng hanggang 50%. naguguluhan ako ngayon eniisip ko na ibenta nalang ito kasi natatakot akong maging zero value ito pag nagpatuloy pa ito sa pag baba..
kung kayo ang nasa katayuan ko ngayon. ibibinta nyo ba yun coin or e hold ito?
Desisyon mo yan kaibigan. Wala namang makakapagsabi sayo kung ano ang dapat mong gawin. Kung gusto mo ng putulin yung pagkalugi mo, sige lang, ibenta mo na pero sasabihin ko sayong mas talo ka kapag ginawa mo yan. Sa pagiinvest ng coin, kasama talaga yan, ang matalo. Ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas. Kung talagang desidido ka na makabawi, maghintay ka. Iyan ang kalaban mo sa crypto.