maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Sa kahit anong bagay naman na nais nating gawin dapat ay may kaalaman tayo at handa tayo. Lalo na sa pagiinvest sa cryptocurrency lalo na hindi nanam stable ang prices neto at madaling natataranta ang mga investors lalo na kung alam nila na maaari silang mawalan ng pera sa kanilang investment. Research talaga at kaalaman ang pangunahing sandata sa pag-iinvest dito sa crypto at sa kahit anong bagay.