Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Magaral muna ng basic investing bago pasukin ang mundo ng crypto ?
by
airdnasxela
on 24/06/2018, 06:41:02 UTC
maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.

Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.

Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Well, tama ka naman. Hindi kailangan na nerd ka para lang maging matagumpay ka sa larangang ito, ang kailangan mo lang ay kasipagan. Kasipagang mag-aral at kasipagan sa mismong trabaho. Kailangan din na ikaw ay pasensyoso dahil kadalasan, kaya ang iba ay benta agad ng benta dahil ay feeling nila ay di na tataas ang bitcoin at malulugi sila, which is maling mindset. Kaylangan mo ring matuto sa mga experts kaya maganda rin magbasa sa mga forums upang matuto sa kanilang mga tips.