Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Gabay para sa katulad kong baguhan
by
Cajn1
on 24/06/2018, 12:42:32 UTC
⭐ Merited by Cordillera (1)
Hello! Sa lahat ng bago pa lamang sa mundo ng Crypto. Ang Post na ito ay gabay sa mga bagohan sa Crypto at hindi pa alam kung paano ang crypto gumagana. 
 Ang pagkabagsak ng crypto ay normal sa mundo ng crypto. Sa lahat ng pagbagsak ng crypto katulad ng Bitcoin ay makikita mo na ang susunod nito ay ang pagtaas. Ang pagbagsak nito ay hindi gaanong masama. Ang masama ay kapag ang merkado ay tumaas at wala kang ginawa at masasabi mo lang na: “Kung alam ko lang, bumili na sana ako”.
Alam mo bang ang crypto ay makakatulong sa iyo na kumita ng maraming pera? Minsan 1000% nga ang balik ng pera sa iyo ngunit maiisip mo rin na baka malulugi din ako nito. Kaya nasa baba ang nalalaman kong makakatulong.

Narito ang mga gabay na alam ko na makakatulong sa mga bago:

1.   Alamin ang Teknolphiya bago mag-invest
•   Ang unang hakbang ay alamin ang teknolohiya na nakaakibat sa proyekto o platform. Magandang gawin dito ay magbasa ng mga artikulo tungkol sa teknolohiya kung makakatulong ba ito sa mga problema ng tao o marami bang gagamit nito. At ang gobyerno ngayon ay tinitignan kung paano ang blockchain makakatulong sa umiiral na sistema.  Ikaw ay makakaalam kalaunan kung bakit ang mga bangko ay takot sa Blockchain at ang crypto ay isang banta sa kanila. At magbasa kung ano ang ginagawa ng mga scammers para maka-biktima ng mga bagohan sa mundo ng crypto para hindi ka rin mabiktima.

2.   Mag-invest lamang sa kung anong kayang mawala
•   Sa pagkakabasa mo ng mga artikulo tungkol sa blockchain o cryptocurrency, malalaman mo na ang crypto ay napaka-volatile ibig sabihin medaling magbago ang presyo; tataas ng ilang araw at bababa naman. Hindi mo alam kung kelan tataas o bababa ang merkado. Kaya huwag mag-invest ng hindi kayang mawalan dahil ang merkado ay puno ng mga hype at mga whale. Napakapeligro mag-invest sa crypto kaya mag-ingat at maging mautak.

3.   Mag-focus sa pangmatagalan
•   Ang cryto ay hindi nakakayaman ng madalian. Alam natin na ang bitcoin ay napakamura noon kompara ngaun. At alam natin na may nagbenta ng 10,000 BTC para lamang bumili ng pizza. Kung nag-hodled lang siya edi sobrang yaman na niya ngaun kaya wag tularan. Kung alam mong lalago ang hinahawakan mong crypto dahil sa pananaliksik mo tungkol sa teknolohiya niya ay magtiwala ka lang pero wag aasa. Haha. Ang nalalaman kong madaliang kita ay ang trading pero kung baguhan ka hindi mo kayang gawin ang ginagawa ng mga eksperto sa trading.

4.   Huwag mag-invest sa iisa lang
•   Kung mag-iinvest ka huwag sa iisang proyekto lang. Ikaw ay isang investor kaya alam mong may maraming teknolohiya na mag-uusbong kalaunan. Ang Bitcoin at Ethereum ay isa sa mga matatanda at malalaking cryptocurrency kaya dapat may konting investment ka din sa kanila. Maraming crypto na aabot sa 2K, kaya dapat mong alamin kung alin ang mag-uusbong huwag lang sa mga shitcoin. Dapat mong malaman kung alin ang mga shitcoin kaya basa ng maraming artikulo tungkol din sa mga shitcoin.

5.    Tumutok sa iyong Kita at Lugi
•   Kailangan mong tingnan palagi ang iyong profolio dahil bawat oras ang presyo ng hinahawakan mo ay nagbabago. Kailangan alam mo kung kalian ka dapat bumili. Dapat bumili ka ng mababa at ibebenta mo ng mataas. Kapag namaster mo’to hindi kana mamooblema ng pera.

Kung umabot ka dito salamat at binasa mo. Sana may maliit akong naambag.