Magandang araw mga kababayan.
Itatanong ko lang kung meron na bang nakapagbukas ng bank account dito sa kahit na anong bangko na ang ginamit bilang source of funds ay cryptocurrency o Bitcoin.
May bank accounts na ako sa iilang mga bangko dito sa atin ngunit ni minsan hindi ko inaming ang pinakamalaking source ng kita ko ay sa crypto. Medyo mahirap kasi sa kalagayan ko na wala akong regular na employment pero minsan may pumapasok na medyo may kalakihang pera.
Sana may mga taga-bangko din dito o kakilala man lang na makapagbigay ng kasagutan. Maraming salamat.
Walang makakapag bukas talaga ng account sa bangko kung ang idedeclare mong source of funds mo ay ang bitcoin o cryptocurrency dito sa ating bansa. Mortal kasi na kalaban ng bangko ang bitcoin, kasi dahil sa bitcoin bumaba ang nag-iinvest ng pera sa bangko. Yung mga ibang investors sa crypto na lang nagiinvest.