guys, nag invest ako ng altcoin nung march kaya lang yun coin na nabili ko ay bumaba ng hanggang 50%. naguguluhan ako ngayon eniisip ko na ibenta nalang ito kasi natatakot akong maging zero value ito pag nagpatuloy pa ito sa pag baba..
kung kayo ang nasa katayuan ko ngayon. ibibinta nyo ba yun coin or e hold ito?
If I were you, mahhohold ako. Ito ay opinyon ko lamang at ang desisyon ay nasasa iyo pa rin. Since 2013, nagtetrade na ako sa cryptocurrency at madami na akong napagdaanang "krisis" sa crypto market at most likely, natitrigger ako ng emosyon ko "dati" na magbenta sa kalagitnaan ng bearish market na siyang dahilan ng loss ko. Dahil doon, natuto akong maghold kahit na anong mangyari at nagbenefit ako doon last year.