Regarding dito sa, Copying posts/Rephrasing posts.
Dati gumawa ako ng threads. Tapos nagulat ako na may kapareha pala ako ng topic. Nagmukha lang updated version sa akin kasi old na yun post nung nauna sa akin.
Pero pag gumagawa kasi ako ng thread, naka depende yun sa kung ano ang update sa crypto world o kaya kung may tanong ako na gusto ko malaman. Kaya nag se-search muna ako dito sa forum kung may existing topic na baka sakaling masagot yung tanong ko. Minsan nga pag walang report na binigay sa akin si search bar, pumupunta ako kay google para dun mag search, tinatype ko : bitcointalk forum then keyword ng mga topic na gusto ko malaman, usually dun lumalabas yung mga old topic. . . .
Ang tanong ko po ngayon, sa dami ng threads na naipon at naging archive na. Maliban sa binanggit ko, ano pa ang paraan na dapat gawin para malaman kung may existing topic na?