Okay lang pala na mag spoonfeed yung mga extraordinary poster dito mga magagaling mag-share ng topic.
Kasi kung sa tutuusin di naman madalas basahin ng mga jr-member pababa ang mga posts na maaaring makatulong sa kanila. Napapansin ko lang na puro merits nalang ang inaatupag nung iba at pag spam ng mga posts. Pinipili din minsan kung alin ang madaling replyan na topic. Ang common na interesado lang lagi sa mga mahahabang posts is yung mga may mataas na ranks o yung iba na desidido matuto.
nakita ko lang sa isang reply.
Parang swerte naman ang mga newbie ngayon spoonfeed masyado wala naman mga ganito nung sumali ako dito matututunan mu nalang to sa pang araw-araw na pagamit ng forum at pagbabasa pero eto ngayon ginawan na ng tutorial tlaga wala na akong makitang matinong topic dito about bitcoin or blockchains halos mga merit, forum rules paulit ulit nalang lol.
Swerte na nga tayo kasi andaming nagtuturo sa atin kung paano ang easiest way to manage our accounts sa forum at kumita pero yung typical post na pwedeng i-spam lang ang laging naspaspam. Pwede niyong tignan ang profile ng mga nagtuturo sa atin, kasi ako madami akong natutunan nung binasa ko yung thread na paano makakaiwas sa scam ng bounty. Share ko lang naman sa inyo dahil naniniwala ako na ang kaalaman ang magbibigay sa atin ng daan para sa kaunlaran sa buhay. I thank you.
May tama ka sa iyong sinabi na madaming magagandang post na puede makuhaan ng Idea na puedeng e-apply pero ang tanong binabasa ba at iniintindi ng ating mga kababayan na mga baguhan? O mas iniisip nila ang mga bounty na kanilang sinalihan at nagbigay lang sila ng comment upang sa ganun ay madagdagan ang kanilang post at activity. tungkol naman sa mga topic mas madalas na mga post ay aim na makakuha ng merit kaya pagandahan ng post at message na lang ang ginagawa. Mas mainam siguro na mga topic dito ay kung paano ba nagkakaroon ng bitcoin at tungkol sa mga mining upang sa ganun ay mabigyan ng liwanag ang mga baguhan