maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Kabayan tama ka po marami talagang mga baguhan ang nag Iinvest sa merkado kahit hindi pa talaga nila alam ang galaw ng market. Naalala ko tuloy nung ako ay baguhan palang din sa Investment Lalo sa Trading dahil bawat 15 minutes ay bumibili ako tapos talo nanaman. kaya nasabi ko noon na para lang talaga ito sa mayayaman, pero nung inaral ko talaga ang Market dun ko natutuhan na bawasan ang emotional Panic lalo pagtumataas na ang pagkatalo ko.
Dapat talaga mag aral muna bago mag invest ng pera. Tatlo lang naman yan.
1. Fundamental Analysis
2. Technical Analysis
3. Speculation
sana po makatulong.