Sa tingin mo maaari ba na MyEtherWallet lang ang gamitin at dina kailangan ng metamask?
Pwede naman kasi kadalasan ginagamit lang ng mga tao yung metamask para sa mga exchanges na kailangan nito katulad ng forkdelta, etherdelta, idex at iba pa, at minsan para mas mabilis maaccess ang kanilang wallet pero depende parin sa choice mo yun
Salamat dito, very informative , problema lang dyan sa metamask mahirap I set Ang gas price, di tulad ng myetherwallet, masyadong maraming mga tao Ang nagaalangan gumamit ng myetherwallet, Samantalang ako , private key lang ginagamit ko ok naman walang hassle. So tsambahan lang mahack ka.
Tama ka boss pero suggestion ko lang na idownload mo yung keystore UTC/JSON file mo tapos i back up mo na rin yung mnemonic words mo para mas secure at ligtas at syempre dapat trusted ang wallet at iwas sa mga phishing sites.
Ang aking tanong...makatulong ba ang pagkonekta ng MEW at Metamask para protektahan ang isang account kung may maka-access sa private key dun sa MEW account?
Hindi parang ang mangyayari lang pag naconnect mo na ang iyong metamask sa myetherwallet ay parang mabubuksan mo lang ang iyong metamask sa pamamagitan ng myetherwallet prang dun lalabas yung mga tokens mo sa metamask.