Ask ko lang po safe parin ba gamitin ang Myetherwallet ngaun? Kase madami ako nababalitaan na hahack yung account at token nila.
Depende naman kasi yan kung malaki yung hawak mong coin eh. Safe pa rin naman kasi may chance pa rin naman na hindi ka mabiktima kung hindi naman nila alam yung private keys mo eh. Kasalanan naman kasi ng iba kaya sila nahahack dahil napakahirap naman kasing hulaan ng private keys.
No choice naman kasi pag sasali ka ng campaign kaya obligado kang gamitin yung myetherwallet pero kung ako mas prefer ko yung ibang wallet. Ganon nalang kasi ka famous yung myetherwallet kaya mas may mababalitaan ka talagang mga nanghahack.