Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Pwede din ito pero ang tanong alam ba ng mananalo sa lotto kung paano gagamitin ang bitcoin, Saan ilalagay ito ? Paano magiging mas secure pa ang halaga ng hawak nyang pera. Dahil kung bitcoin ang ibabayad sa kanya pwede rin na hindi stable ang price nito at pwede rin na bumagsak ito.
Kaya para sa akin imposible na gamitin ito ng PCSO pwede kung ang bitcoin ay kilala na at maraming tao na ang gumagamit pero sa ngayon kung ito ang gagamitin malamang na tatanggi din ang nanalo dito