Noon nakaraang taon naging uso yung mga traders kuno na kumukuha ng ibang investors para palaguin daw nila ang pera ng mga nagtiwala sa kanila...ang resulta ay maraming naging scams at failure at maraming mga Pinoy ang umiyak dahil nawalan sila ng pera at di nila alam kung paano habulin ang trader na pinagkatiwalaan nila. Maraming pangalan ang nasira at maraming pagkakaibigan ang naging abo dahil sa mga schemes na to. Sa mga news sa TV at online...kasamang nadamay ang pangalan ni Bitcoin kasi sa isipan ng marami nauugnay ang Bitcoin sa mga scams (na di naman totoo syempre).
Sa ngayon, may mag nakikita na naman akong nag-aalok ng parehong pamamaraan ng investment scheme at sigurado na unti-unti na namang bumabalik ang parehong mga scams lalo na at patungo na tayo sa katapusan ng taon. Usually towards December is the period where scammers are having a field day to victimize innocent people getting sucked into their beautiful-looking but dark schemes.
Wag maging biktima. Wag magtiwala. Wag ipakontrol ang pera mo sa iba. Always remember that if you are not in control of your money you are at the mercy of someone else. Wag na kayong maging bahagi pa sa mga umiyak at sumakit ang ulo at bulsa dahil sa mga pangakong napako at lumayas na mga scammers.
Tama, nasa huli ang pagsisi talaga. Kahit gaano pa ka promising ang offer or kahit gaano ka legit tingnan ang isang ads or isang tao in this crypticurrency business you need not to trust anyone. Kasi pag na scam ka wla kang mababalikan ito ang downside of this industry naka record ang transaction pero wlang details kung sino, taga saan or of any important information lahat naka code name. so just be careful everyone. This is cryptocurrency world where we are all anonimous.