maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Siguro basic ng technical analysis, pagalaw ng market,history ng market at news regarding cryptocurrency isa po un sa basic na dapat pagtuonan ng pansin kung papasok ka sa trading pero hindi ibig sabihin na kung alam mo yung basic eh tuloy2 na yung gain mo, pag pinasok mo yan dapat matatag loob mo lalo na pag loss ka. pag fail ka take it as a learning dyan mo mahahasa yung trading.