Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Magaral muna ng basic investing bago pasukin ang mundo ng crypto ?
by
dioanna
on 17/07/2018, 13:39:53 UTC
maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.

Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.

Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.

yung matatagal na kasi sa bitcoin hati sila yung iba willing magturo o ishare ung nalalaman nila ng libre
may iba naman tahimik lang at yung iba nagpapabayad.
Dapat talaga bilang newbie inaalam din nila kung ano pinapasok nila , madami namang tutorials sa youtube
articles to read na may legit information kailangan lang talaga maging resourceful sa pag gather ng information