Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Sa tingin ko napakaimposible nito ngayon sa kadahilanang mataas ang volatility rate ng bitcoin which means yung price nya is nag vavary at naapektuhan ng law of supply and demand at ang winning prize sa lotto is fixed value. Siguro sa future kapag bumaba ang volatility rate at medyo naging stable na ang price ng bitcoin, magkaron ng chance na maging possible ito.