Yung BCH po ba applicable na sa lahat ng apps na coins.ph? Yung sakin kasi nag update ako pero wala pa lumalabas na BCH wallet. Ang meron lang is BTC PESO at ETH wallet palang. Beta testing pa din ba si bch? Salamat po
Anong phone ba gamit mo? minsan kasi depende yan sa phone mo e, and base sa observation ko, madalas nahuhuli ma-update sa IOS or sa Iphone. Sa akin available na yung BCH wallet pero di ko pa nasusubukan lagyan ng BCH but I think hindi na siya beta. Anyways, wala din naman akong balak gamitin yun, kasi simula palang hindi na ko fan ng BCH.
Bakit po kaya kapag exchange to coinsph ang tagal po ma process ang transaction pero kapag exchange to exchange mabilis ?
Teka lang parang magulo yata yung tanong mo, exchange din naman ang coins.ph pero sabi mo exchange to exchange mabilis. Kung matagal ang transfer ng coins mo, ang laging may problema diyan yung exchange na ginamit mo para i-transfer yung cryptocurrency mo to another wallet so tingin ko hindi yan problem sa side ng coins.ph, at lahat ng trading platform may issue yan sa mga delays ng withdrawals or matagal ma-confirm yung transactions.