Sa nakaraang ilang araw, nakita natin ang pagtaas ng halaga ng Bitcoin galing sa $6000+ ngayon ay nasa $7000+ na sya at marami ang umaasa na ito na ang hudyat ng paglipad ng Bitcoin "to the moon" sabi ng marami. May mga nagsasabi din na baka ang paggalaw ngayon ay isa lamang sa mga tinatawag nila na "bull traps" at babalik din ang Bitcoin sa dati nitong halaga. Meron akong nabasa na sa ganito ding mga petsa nagsimula ang pag-arangkada ni Bitcoin sa nakaraang taon...ano ang tingin nyo dito...ito na ba ang simula o isa lamang itong patibong?
oo tumaas ng konti pero bumaba ulit ito, sa totoo lang nakakairita na ang ganitong thread kasi wala naman tayong maiaambag kahit pa anong gawin nating speculation o paghula sa magiging value ng bitcoin. kung malaki ang paniniwala mo o ng sino man mas maganda na mag ipon ka na lamang ng bitcoin at intayin na dumating ang tamang panahon na muling lumaki presyo nito