maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.
Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.
Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.
Unang una sa lahat mag invest ng naayon sa iyong kapasidad. hindi porket ginusto mo ay papasukin mo agad ng wala kang kaalam alam sa gusto mong pasukin or salihan. pangalawa mahalang pag aralan munang mabuti at mag umpisa muna sa maliit na halaga. may Tamang paraan kung pano gawin Ang buy and sell na tinatawag.
para mas madali mong maintindihan Ang basic terms s Pag iinvest lalo na sa trading, subukan mong magbasa dito bka matulong sayo.
https://bitcointalk.org/index.php?topic=3153339.msg32597041#msg32597041