Sa nakaraang ilang araw, nakita natin ang pagtaas ng halaga ng Bitcoin galing sa $6000+ ngayon ay nasa $7000+ na sya at marami ang umaasa na ito na ang hudyat ng paglipad ng Bitcoin "to the moon" sabi ng marami. May mga nagsasabi din na baka ang paggalaw ngayon ay isa lamang sa mga tinatawag nila na "bull traps" at babalik din ang Bitcoin sa dati nitong halaga. Meron akong nabasa na sa ganito ding mga petsa nagsimula ang pag-arangkada ni Bitcoin sa nakaraang taon...ano ang tingin nyo dito...ito na ba ang simula o isa lamang itong patibong?
Mas mainam siguro kung patuloy na tumataas ang bitcoin, maraming sabi sabi na kung saan ang bitcoin ay paiba iba ng halaga, at ito ay mapapatunayan tuwing darating ang buwan ng febrero pataas, na kung saan ang halaga ng bitcoin ay bumababa, at sa pagdating naman ng september to january ay tumataas ang value ng bitcoin. ito ay hindi patibong dahil parte ng crypto currency ang pagbaba at pagtaas ng value ng bitcoin.