Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Magaral muna ng basic investing bago pasukin ang mundo ng crypto ?
by
Ollie1
on 23/07/2018, 14:31:39 UTC
maraming baguhan ang pumasok at natalo sa pagiinvest sa crypto nitong nakaraang mga buwan, yung tipong makakita lang sila ng kulay green na candlestick sa chart, bibili na agad sila, tapos kapag ung presyo ng binili nilang token o coin ay bumaba sa kung magkano nila binili, magbebenta na sila. Sa madaling salita (buy high sell low) ang ginagawa nila.

Alam natin na ang dapat nating gawin ay buy low sell high pero dahil sa emosyon, kabaliktaran ang nagagawa natin.
Ano ang solusyon dito ? Magaral ng investing.

Ano sa tingin nyo, may point ba ito ? kasi nababahala ako dahil daming mga baguhan akong nakikita sa FB na umiiyak at sinasabi pang mga magagaling lang daw at mga nerds maaaring kumita dito. Dapat din daw expert ka sa technical analysis which is mahahalaga naman tlga pero kahit naman sino kayang kumita dito. Basta masipag ka lang magaral.

Kahit naman saang bagay na gusto natin matutunan, mahalaga na malaman natin lahat ng kailangan matutunan dahil ito ay magsisilbing "advantage" natin sa ibang tao. Sa panahon ngayon, lamang ang may alam at totoo ito. Mahalaga din na intindihin at maging matalino sa ating mga nababasa dahil para din ito sa ating kaligtasan. Marami na ang mga naglipanang mga "scams" at dahil dito ay kinakailangan natin na maging kritikal at teknikal sa ating mga binabasa at nababasa.