Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ito na ba? Ito na kaya ang simula? Sana nga ito na...
by
lloyd13
on 24/07/2018, 14:59:09 UTC


Sa nakaraang ilang araw, nakita natin ang pagtaas ng halaga ng Bitcoin galing sa $6000+ ngayon ay nasa $7000+ na sya at marami ang umaasa na ito na ang hudyat ng paglipad ng Bitcoin "to the moon" sabi ng marami. May mga nagsasabi din na baka ang paggalaw ngayon ay isa lamang sa mga tinatawag nila na "bull traps" at babalik din ang Bitcoin sa dati nitong halaga. Meron akong nabasa na sa ganito ding mga petsa nagsimula ang pag-arangkada ni Bitcoin sa nakaraang taon...ano ang tingin nyo dito...ito na ba ang simula o isa lamang itong patibong?
Ang halaga ng bitcoin ay nagbabago paglipas ng oras o araw, sa madaling salita ito ay hindi constant. Maaaring bumaba at tumaas kaya dapat huwag tayong maging kampante at huwag maging sakim sa pagwiwithdraw dahil lamang tumaas ang halaga ng bitcoin. Dapat nating makita ang halaga ng cryptocurrency hindi lang dapat sarili at puro pera ang iniisip natin dapat natin pahalagahan ito dahil kapag ang bitcoin ang bumagsak malaki ang magiging epekto nito.