Post
Topic
Board Pilipinas
Re: What if Bitcoin ang gagamiting pambayad ng PCSO sa mga mananalo sa lotto?
by
JoMarrah Iarim Dan
on 25/07/2018, 06:16:42 UTC
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.

Unang una hindi natin alam kung papayagan ito ng ating gobyerno ng Pilipinas. Maaring oo alam ng bangko sentral ang tungkol sa bitcoin o sa ibang pamg crypto at maaring hindi sila salungat dito pero iba pa din ang gobyerno natin. Sa kabilang banda oo makilala ang bitcoin gawa dito , pero ang ibang tao na hindi kilala ang bitcoin , baka hindi nila tanggapin kasi hindi nila alam paano gamitin at ang iba wala ding magandang cellphone or computer na maaring gamitin sa pagwithdraw ng napanalunang bitcoin.