Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Nako mahirap to, Dahil hindi naman lahat ng tao ay marunong sa bitcoin at alam kung paano gamitin ang wallet ng bitcoin. Kaya naman hindi ito tatanggapin ng mananalo kahit ako hindi ko to tatanggapin dahil mas safe na hawak mo ang pera mo kaysa naman manakaw pa ng mga hackers
mahirap nga kasi cash basis talaga ng pagtaya sa lotto pero hindi rin naman mahirap gawin kung gugustuhin ng namamahala dito na lagyan ng bitcoin payment ang pagtaya sa lotto, hindi naman malabo na pagdating ng araw sa lahat ng payment system ay pwedeng ipambayad ang bitcoin, advantage rin naman ito sa kanila kung mag accept sila ng bitcoin kung biglang tumaas, disadvan kung bumaba naman ito