Mahalagang malaman natin yan lalo na kapag nagamit tayo lagi ng Ethereum at iba pang ERC20 token para aware tayo at inform just like kapag hindi mo p naman masyadong kailangan yong token or eth kaya pwede ka pang gumamit ng less na gas kapag super urgent naman dapat alam mo din paano taasan ang gas.
Ganun na nga, Buti nalang pinaalam nya sa atin kung bakit ganun katagal ang transaction ng eth yun pala, dagdag kaalam naman ito sa atin. Pero sa ngayon talaga kailangan kung papaano less ang pag transaction kasi sayang naman kung malaki ang mawala sa atin.
Dapat talaga na sumunod sa updated gas info para mabilis ang transaction, at para iwas ang failed kase kase yung baguhan palang ako sobrang tagal talaga yung mga transaction ko kase di ako sumusunod sa gas info at na try ko rin yung pag failed ng transaction kase mataas pala ang gas tas mababa na gas lang na na set ko. Kaya importante talaga to malaman lalo na sa mga baguhan po para iwas hassle sa transaction
Sa mga baguhan pa sa bitcoin dapat talaga lubusang alamin kung paano at ano mga mga dapat gawin bago simulan ang pag transact lalo na kapag naglipat ng token sa wallet. Sa pagkat hindi muna pwedeng mabawi ang token mo kapag nagkamali ka ng transaction. Kapag final na at nagtagumpay na ang transaction wala ng undo button na pwedeng pindotin. Kaya payo ko sa mga bago pa lang mag ingat lagi at iwasan magkamali. Ingatan ang iyong investment dahil mahirap mawalan ng pera. Pera na naging bato pa ika nga. lol