Post
Topic
Board Pilipinas
Re: What if Bitcoin ang gagamiting pambayad ng PCSO sa mga mananalo sa lotto?
by
lloyd13
on 27/07/2018, 16:37:08 UTC
Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay  nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Kung ito ang gagamiting gantimpala tuwing  may mananalo  sa lotto ay magkakaroon ng conflict dahil hindi naman lahat ng tao ay may alam tungkol sa bitcoin. Dapat ay mayroong sapat na kaalaman ang taong maswerteng mananalo sa lotto tungkol sa bitcoin upang matutunan nyang gamitin ito at isa pa, ang halaga ng bitcoin ay nagbabago kung kaya maaring kwestyunin ito ng karamihan na walang alam sa bitcoin.  Sa tingin ko rin ay maraming tao ang hindi sasang-ayon dito kadahilanan rin na wala silang alam ukol dito.