Yun nga, regarding cryptocurrency, dito sa Pilipinas. Alam naman natin na medyo hinde pabor ang karamihan nang Pilipino dahil narin siguro sa mga scam na lumabas naginagamit yung "Bitcoin" dun sa pamamaraan nila. On the political side, ano kaya sa tingin nyo magiging next action nang gobyerno regarding cryptocurrency sa bansa? and sa tingin nyo if magkakaron nang regulation, papabor kaya ito sa crypto enthusiasts? Pero para sa akin, dati, pabor akong walang regulasyon, pero dahil sa dami dami nang lumalabas na scam ngayon, d lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dapat magpatupad nang regulations para sa mga ICOs, cryptocurrency platforms at kung ano pang crypto-related things to lessen risk of scam and frauds. Siguro mas ma igi nang magkaron ito nang "TAX" basta mapatakbo at ma sort out nang maayos nag bawat crypto platforms and ICO na tumatakbo at pumapasok sa bansa.
Maganda nga sana kung walang regulation pero dahil marami ang magsamantala kung wala nito ay mainam ng meron para na rin sa proteksyon nating lahat...at para mabago ang imahe ng Bitcoin at cryptocurrency sa ating bansa na sinisira sa pagkaugnay nito sa mga scammers na gumagamit sa Bitcoin bilang kanilang mode of payment. Tungkol sa regulation, dalawang aspeto yan una yung galing sa gobyerno (batas at pwede din guidelines from an agency like SEC or BSP) at yung tinatawag na self-regulation o yung mismong industriya at mga players nito ay may mga alituntunin na sinusunod...yun nga lang kailangan dito na may pagkakaisa ang mga tao na nasa industriya at di watak-watak. Sa aking pananaw ang gobyerno (particularly the BSP & SEC) ay sumusuporta naman sa Bitcoin at cryptocurrency at katunayan dyan ang patuloy na pamamayagpag ni Coins.Ph at may mga bagong players pa na parating siguro magsisimula sila by next year. Malaki ang kinabukasan ng cryptocurrency dito sa Pilipinas at baka sa mga susunod na mga taon magising na lang tayo na marami ng ICO projects ang naka based dito sa bansa.