Ito ay aking isang opinyon lamang kung anu ang silbi ng bitcoin sa ating bansa sa napapansin ko may dalawang klase ito disadvantage at advantage sa ating bansa.
Ang unang kong nakita ang disadvantage. Ito ang nakikita ko sa mga balita sa ating bansa tulad ng mga scam ponzi na ginagamit ang bitcoin. Alam naman natin ang bitcoin ay may kakayahan mag transaksyon saan mang sulok ng buong mundo hindi lang sa ating bansa na hindi na kailangan dumaan sa ating gobyerno sa madaling salita wala tayong babayaran na tax sa pagpapadala ng pera kung ang gamit ang bitcoin. Kung ang Bitcoin na ginamit natin ay nauwi lang sa isang scam at napunta lang sa ibang bansa ang ating bitcoin may posibilidad na liliit ang ating pondo sa ating bansa alam naman natin ang kinukuha ng pondo ng ating gobyerno ay galing sa isang tax isama na natin ang VAT o value added tax. Sunud-sunod na balita sa ating bansa nadadamay ang Bitcoin dahil sa mga scam investment. Sa aking palagay maaaring makaka apekto ito sa ating bansa kung may patuloy na gumagawa o pumapatol sa mga scam. Ang nakikita kong apektado ay isang Value added tax.
ito ang advantage. Kung ang lahat ng pilipino ay marunong lamang gumamit ng Bitcoin sa tamang pamamaraan makakaiwas tayo sa isang scam investment diba po ba.? Sa aking napansin kung ito ay mangyayari may posibilidad na lumaki ang pondo ng ating bansa ng dahil sa VAT o value added tax. Bakit ko nasabi kung ang pilipino ay bumili ng bitcoin sa halagang 1btc noong jan 2017 sa palagay na lng pop natin ang presyo ng bitcoin ay nasa 50k per bitcoin at ibinenta nya ito noong desyembre 2017 sa parehong taon ipalagay na lng natin ay 1M per bitcoin. Kung papansinin natin ang 1M na binenta mo at ibinili mo dito sa mga produkto ng pilipinas ay bawat binibili natin ay may VAT o value added tax rate 12% ay napupunta sa ating gobyerno. So may posibilidad na mas makakatulong tayo sa ating gobyerno sa pagpasok ng pera sa pilipinas hindi man dumaan sa ating government ang transaction sa huli ang gobyerno parin ang may pakikinabang.
Kung magpapatuloy ang mga scam na nirereklamo sa ating media o balita na naririnig natin, bitcoin ang pinaka ulo ng balita. Marami akong nababasa sa mga facebook tungkol sa mga biktima ng scam ay parang nilalait pa sila tinatawag silang mga 'walang utak' bakit hindi natin sila tulungan upang makaiwas sila sa mga scam investment dahil kung dadami ang mga nauuto dadami din ang mga reklamo maaari kasi humantong sa ating bansa na ma banned ang bitcoin. Pero ang lahat ng ito opinyon ko lamang kung may mga opinyon kayo sa kung anu ang may posible na silbe ng bitcoin sa ating bansa. Comment lang po.