Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Merits 4 from 3 users
Mga Maaring pagkakamali sa pagsali sa bounty campaign (tagalog)
by
nngella
on 03/08/2018, 14:18:47 UTC
⭐ Merited by Darker45 (2) ,jacee (1) ,cabalism13 (1)
Orihinal na ulat : https://bitcointalk.org/index.php?topic=4468266.msg40069856#msg40069856 (ako rin mismo ang may gawa)

1. ETH address ay iba sa Private Key

Ang iyong Private Key ay ang password mo para mapasok ang wallet habang ang ETH address ay ginagamit para makakuha ka ng tokens, dito ise-send ang tokens mo.

Mga halimbawa:

ETH address       : 0x46678053A1C1F1A3d46d916f93Fd74dAe1c2aF6B
ETH Private Key : a96bc7487e7bd325e0a2dcf1a7adc9a04ecb2ada74cc49604aa2e95c3122e523

2. Bitcointalk Profile

Kapang pinindot mo ang "profile" sa home tab at kunin mo ang URL, hindi iyon ang bitcointalk profile link mo.

Paano makuha ang bitcointalk profile link?

Unang paraan : punta sa "profile" tapos click mo ang "summary" sa bandang kanan.  Ganito hitsura makikita mo : https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=2171254;sa=summary

tapos tanggalin mo ang "sa=summary" at lalabas ang https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=2171254, ito na ang bitcointalk profile link mo.

Pangalawang paraan : punta ka sa "profile" mo tapos sa "show posts" sa bandang kaliwa.  Pili ka ng isang post mo tapos click mo yung name mo  sa post.  Ipupunta ka sa profile mo tapos yung URL ayun na yung Bitcointal profile link mo.

3. ERC20 ETH Wallet

Madalas (pero hindi lahat) ang kailangan na uri ng wallet ay ERC20 ETH wallet.  Iba ito sa mga exchanges na address na makukuha ninyo.  sa may https://www.myetherwallet.com/ (MEW) pwede kayo makakuha ng ERC20 ETH wallet.

4. Nakalimot mag post ng resulta

Huwag na huway ninyong kalimutan kung kailan ang araw na ipapasa ang mga ulat (report) ninyo.  Kung makalimot kayo ay hindi mabibilang at hindi mapapasama ang ulat ninyo.

Baka makatulong ang google docs sa inyo kasi iyon ang gamit gamit ko ngayon.

5. Paano ipapasa ang mga Ulat

Paiba iba ang mga kailangan na itinalaga ng bounty manager.  Minsan kailangan mo i-quote ang dati mong ulat, minsan naman kailangan mo gumawa ng panibagong ulat, at minsan yung una mong ulat ay baguhin mo lang at isama ang bago mong ulat duon.


Sana makatulong sa inyo mga kababayan.