Lahat naman ng investment ay may risk talaga. Sabi nga "don't put all your eggs in one basket", ibig sabihin wag mong ilagay lahat ng pera mo sa isang investment na alam mo naman na may risk. Isa na dyan yung mahack yung account mo. Laging warnings ng mga experts sa cryptocurrency ay wag basta magshare ng iyong private keys or kung ang investment mo ay nasa mga exchanges better to have some 2fa security like google authenticator para hindi madaling ihack. Wag din basta pumasok sa mga sites na hindi ka sigurado baka mavictimize ka sa magandang offer na madaliang earnings ng bitcoin kung saan kailangan nila yung data mo. Digital currency ay napakagandang opportunity para sa atin na sumubok na mag invest dahil konti palang ang nakakaalam nito darating din ang panahon na iadopt na ng lahat ito at ang presyo malamang sobrang mahal na.