Naging makasaysayan ang end of year 2017 para sa mga holders at investors ng bitcoin dahil sa pagpeak ng presyo nito sa $19,400. Matapos nito ang 2018. Napansin ng karamihan na patuloy ang pagsadsad ng presyo nito, may pag angat nang bahagya ngunit mababa pa din kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Marami tuloy ang nagtataka at nagtatanong kung nareach na nga ba ng bitcoin ang moon? Sa inyong palagay ba ay hanggang doon na lamang ang presyo niya?
Tiwalang tiwala ako kay bitcoin na mas tataas pa ang presyo nito. Sa ngayon, ang approval lang ng SEC ng mga application ng malalaking kumpanya para sa Bitcoin ETF (Exchange Traded Fund) kung saan malaking pera ang papasok na investment na maging dahilan sa pagtaas ng presyo ng btc. Bumaba ang presyo ng bitcoin dahil madaming nagkakalat ng mga FUD news. Antayin ninyo matapos ang taon na toh malalampasan din yung ATH ng btc.