Hello po mga maa'm/sir , new member lang po ako dito sa bitcointalk pero may konting knowledge na po ako sa crypto since nagumpisa ako sa stellar coins few years ago pero nahinto nung nagwork ako sa call center. Pero ngayon balik loob muna ako sa crypto para pagipunan ung pagbangon ko

- So maiksing kwento lang po ng buhay ko, isa po akong ex-call center agent. Nagkaroon po ako ng problema sa pamilya ko kaya lumayas ako sa amin. Ngayon po ay nagtatrabaho lang ako bilang bantay ng isang computer shop na maliit sahod ₱100 per day, kung ikumpara sa dati kong trabaho. Nung araw kasi na lumayas ako, na-holdap din ako at nakuha halos lahat ng gamit ko, wallet, cellphone at ung pinaka huli kong pera para makapagsarili ako na magagamit ko pang upa ng bahay at pampasok (balak ko bumalik sa call center sana).
Ngayon ang target ko lang ay makaipon ng worth ₱12,500 pesos para maka alis ako dito sa trabaho at itry maghanap ng ibang work.
Ito po ung current statistics ng kinita ko sa airdrops at faucet.
- July = ₱ 2,500 (CPS Coin)
- August = ₱ 600 (still not the exact amount kasi ung AVINOC coin price is nagfluctuate pa)
₱ 7,900 (icoforums)
Target:
₱ 11,000 out of ₱ 12,000
Yung may mga tips din po sa akin kung saan pa po ako makakakita ng madaming airdrops at free coins, maappreciate ko po siya ng sobra. Pass din po pala ako sa may mga investment since di ko pa po afford mag take ng risk sa ngayon pati na din po sa faucet sensya po since mejo strikto may ari ng shop sa mga website na inaaccess ko. Also any type of work na nagbabayad via crypto ok lang din sakin.
Hopefully sana lang is maipon ko siya as soon as possible, kasi kahit lumayas ako sa pamilya ko at di kami nagkakaayos gusto ko pa din sila padalhan ng pera kahit pampa-aral lang sa kapatid ko.

---- salamat po sa mga nagbasa -------- Iuupdate ko na lang thread ko pag may nadagdag ako may iseshare akong bago --------
8/10/2018 Update
-- Same pa din ung pera ko walang nadagdag lol -----
Pero nagsimula na din ako sa bounty signature na sinuggest ng karamihan dito. Luckily may bagong thread na tumatanggap ng newbie.