Marami naman kumakalat na mga investment sa social media isa na dito ang BNL at Taurise.
Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
Sa tingin ko kaibigan, para sa local boards ng Philippines local section, hindi na sigurado kailangan. Mayroon namang google upang hanapin ang mga kasagutan sa mga katanungang ito. Kung mayroon namang magtatanong sa inyo patungkol rito maaari ninyo silang balaan. Isang beses lang ako nag invest sa isang HYIP noon at hindi ito nagtagal. Hindi ko na rin ito inulit para magsilbi itong aral sa iba. Parang ang mga iyan ay ang bitconnect. Maingay, maliwanag, masarap sa tenga pero naging bato at luhaan ang lahat ng sumali doon. Asahan na lang natin na ganon din ang mangyayari sa mga gusto pang mag invest sa katulad ng bitconnect.