Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Magandang ideya din naman ito kung mangyari talaga kasi hindi na pahirapan ang pag claim ng pera at hindi mo na kailangang matakot sa holdupers magkalabas mo ng PCSO matapos mo ma claim ang premyo. Sa kabilang banda pangit din kapag bitcoin ang pambayad kasi nga mahal ang cash oit fees mabawasan ang perang napanalunan mo. Mas maigi din na fiat nalang ang matanggap na bayad. Pero kahit saan diyan ayos lang naman ang pinaka importante ay yung thought na nanalo ka sa lotto.
Yes tama, Isa sa mga Pros to kung gagawing reward ang Bitcoin. Hindi na mahihirapan ang Winner para mag claim ng pera if bitcoin na ang reward dahil sa online at faster transaction nito. Ang Problema na lang ay paano kung hindi maalam sa bitcoin ang nanalo, Hindi niya alam pano mawiwithdraw o pano ibebenta ang bitcoin. Magiging Totoo lang ata ang pagiging reward ng bitcoin sa PCSO ay kapag sumikat at alam na lahat ng tao pano ito gamitin.