Marami naman kumakalat na mga investment sa social media isa na dito ang BNL at Taurise.
Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
tama sir marami nanaman nag lipana sa social media ng mga investment na halos kahalintulad din ng mga naunang scam na investment pero hanggat may nag papaloko hindi talga matatapos ang ganyang investment scam scheme. kaya dapat talaga mamulat ang mga kababayan natin at pag aralan muna kung ano pinasok na investment at kahit sino naman mag tataka na kung ang 100 mo gagawin nilang milyon.
siguro para sakin mas maganda din kung mag karoon tayo ng scam Accusation child boards dito sa forum para aware din ang mga bagohan o matagal na dito sa forum at ma warn ang ma huhumaling mag invest kung sakali.