Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Scam Investment
by
joesan2012
on 09/08/2018, 19:43:14 UTC
Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Napakalaking problema talaga ito, siguro talaga ay mayroon ng ugali ang pinoy na nasisilaw sa mga easy money o tinatawag na mga ponzi scheme. Kailangan natin magawan ng aksyon ito para maiwasan ang pag dami ng mga na iscam at para na rin hindi na masira ang pangalan ni bitcoin.

Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
Agree ako dito, ito rin ang isa sa mga iniisip ko upang matulungan yong kapwa natin pinoy na maka iwas sa mga scam project na sya ring nakaka sira sa imahe ng cryptocurrency. Kasi kong minsan yong mga kasama natin dito ay wala ring oras na pumasok sa Global Scam accusation section, dahil tinatamad o maaari ring na hihirapan makipag interact sa nga banyaga mas mabuti rin na magkaroon tayo ng sarili nating childboard para dito. Nang sa gayon ay makatulong tayo ng mas malalim sa ating mga kababayan.