To share my experience with you guys, tutal nasa usapan naman ang stable na trabaho at ang crypto.
Last week nag leave ako for one week sa aking trabaho para sa crypto, i mean trading.
At ang huling araw na absent ko ay ngayong araw.
To make a story short,
ginawa ko nga yang sinasabi mo at nag trade ako ng isang buong linggo at pinabayaan ang trabaho ko.
Ang nangyari natalo ako sa trading dahil sa pangit ng merkado, at nag ka utang pa dahil sa pang araw araw na gastusin.
Hindi ko sinasabing magaling o hindi ako marunong mag trade may konting kaalaman din ako kahit papano.
Kung susumahin mo ang nawala sakin ng isang linggo 4800 yan ang sahod na sanang makukuha ko pag pumasok ako sa trabaho. At 13,000 na talo sa trading ng buong linngo.
Ang buong akala ko na kayang punan ng crypto or trading ang mga pangangailangan namin pag nag trade ako at i isang tabi muna ang stable na trabaho. Pero nag kamali ako bagkus ito papala ang nag dulot sakin ng kalubugan.
Iba pa rin talaga ang stable na trabaho kesa mag day trade ng crypto.
Lesson learned: wag mong isaalang alang o i asa sa crypto ang ikinabubuhay mo.
At wag kang mag padala sa emosyon mo na palagi kang panalo, bagkus gawin mo ito kasabay ng iyong trabaho.
Para sakin mas maganda kung mas unahin o i priority ang trabaho kesa mag crypto.
Dahil ang crypto andyan lang yan, hindi ka nyan iiwan pero ang stable na trabaho once na wala yan mas lalo kang mahihirapan mag hanap ulit ng panibago.