Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Bakit bagsak ang Ethereum?!
by
TamacoBoy
on 17/08/2018, 00:46:57 UTC
Ang Ethereum ang isa sa pinakakilalang coin sa crypto market. Sa katunayan, pumapangalawa ito sa Bitcoin pagdating sa ranking. Noong nakaraang taon, ang laki ng value nito at marami pa ang nagsabi na kaya nitong malampasan ang Bitcoin. Pero bakit ngayon isa siya sa pinakabagsak na coin sa market? Bumaba na siya $300. May pag asa pa kayang makarecover ito o eto na ang simula ng tuluyan niyang pagbagsak?

sa tingin ko ay dahil ito sa patuloy na pagbebenta ng mga ICO Maker ng kanilang ethereum upang magastusan ang mga project na ginagawa nila. Isa pang dahilan nito ay dahil sa pagbebenta ng mga ALTCOINS/TOKEN upang maipalit sa BTC at ipapalit muli sa Fiat Money. Sa kasalukuyan ay nasa bear market tayo at marami ring nagpapanic sell dahil sa mataas na pagbaba ng Crypto Currency.