PHILIPPINES SHITPOSTER + DELETED POST
PHILIPPINES SHITPOSTER
Unang una sa lahat nagpapasalamat ako dahil sa pagbibigay mo ng pansin sa aking pananaw sa usaping ito. Tama na ang ganitong usapin ay lalong mabigyang atensyon sapagkat ito ang puno't dulo ng walang kamatayan problema dito sa forum natin.
Wala ng intro intro pa, shitposting is shitposting, walang naghihilaan pababa dito, walang crab mentality dito dahil alam ko na ang nagdudulot lang ng mga salitang di kanais nais sa mga replies about dito ay ang kagustuhan na mag-bounties nalang habang-buhay.
Hindi kung bakit buhay pa yung thread, hindi ba nila ma-gets na sobrang lala na ng shitposting dito? Di ko rin alam bakit patuloy pa rin nating ginagawa ang bawal kahit alam naman nating mali. Sobrang naaabuso na ang mga bounty, gumagawa pa ng multiple accounts para maging match ang given stakes sa Full Member or mas mataas pa.
Totoo lahat yang sinabi mo lalong lalo na pagdating sa multiple accounts. Isa sa mga common na makikita sa lahat ng forum ay pagdumog ng mga
jr member sa mga topic na di na kinakailangan pang pag isipan ng mabuti. Yung tipong tamang sagot lang ng sagot para makumpleto yung task nila sa signature camp.
ito pa, mahuhuli nyo din yang mga abuso na yan sa profile nila. Makikita mong redundant masyado yung pinagsasabi at idagdag mo pa yung limited topic lang na pwede nilang sagutin kase nga walang alam pero gustong kumita.
Kaya nga pabor ako sa mga nababasa kong 1 merit requirement for jr.member para maiwasan ang ganitong senaryo.
Deleted Posts
Tungkol naman sa Deleted Posts, wag kayong magrereklamo if ever na may nawawalan ng posts sa inyo sapagkat considered yun as shitposting or spamming the threads. Ang pagsasala ng mga posts ay dumadaan sa mga moderator yan, tinitignan nila ang mga posts kung shitpost ba or hindi. Isa pang dahilan kung bakit nawawala ang mga posts dahil sa rephrased replies, kopyang kopya yung thought, kaka-assume ng mga bagay at kakagaya nadedelete mga posts niyo.
Kaya nga natatawa ako sa mga nagtatanong pa o naglalaan pa ng oras para gumawa ng topic kung bakit ganun daw ang nangyayari which is common sense nalang. Ang masasabi ko lang ay basa basa muna kase kahit
basic rules lang para malaman nyo ang kalakaran sa forum na ito. Itigil na yung tanong ng tanong at mabutihing maghanap muna ng kasagutan through research. Ang simpleng bagay na ito ay magreresulta ng maganda sa local o kahit saan pa sinisigurado ko yan.
APPLICATION FOR MERIT SOURCE NI CRWTH (PHILIPPINES LOCAL BOARD)
LINK:
APPLICATION FOR MERIT SOURCE - CRWTHAware naman kayo dito right? Kung gusto niyo maging maayos ang development ng local dahil alam kong magpupursigi tayo for being better. Then, i-push natin siya at suportahan para maging merit source. It will take 3-4 months to become a merit source, estimated yan kaya sana maging supportive tayo. Bago ka mag-isip ng crab mentality, show yourself na mas better ka, although lahat naman deserving pero may tapang ka ba to face the responsibility at makilala pa ng ibang DT, mods, staffs and admins?
Please support @crwth
Tama ka dyan, wag naman natin hayaan na iba nalang lagi ang kumilos para sa atin. Kung tutuusin ito ay para sa atin, sa ikakaganda ng local. Ang tanging kailangan lang naman ay suporta natin. Oo tama ka sa pagkakabasa mo
"natin"
hindi lang ikaw, hindi lang sya kundi tayong lahat.