May limit na pala ang cash out sa Cebuana bakit naman 50k nalang? ano naman reason nila at ganyan nlng kababa ang pwedeng i cash out natin?
tingin ko dyan baka nauubusan sila ng cash kasi yung kaibigan ko dto kapag sinasamahan ko mag cash out oo maibibigay nila yung 50k pero di na sila nakakatanggap ng international transaction kumabaga umaga palang cut off na agad yung transaction nila pang international 50k palang kinash out non nauubos agad yung pang transaction nila para sa iba.
Ang pagkakaalam ko si cebuana ang gumawa ng ganyan ng rules ehh tinanong ko kasi ung kilala ko kung magkanu ang maximum transaction sa cebuana ang sabi 50k lng kapag big amounts na po dapat ang bangko na transaction po.
So for example , after cashout sa cebuana nang worth 50k eh hindi ka na pede mag cash out ulit for that day nang 50k? Makakapag cashout ka ulit the next day worth 50k again? Medyo nalipasan nako sa cebuana kasi medyo matagal na din ang huling 50k cash out ko eh.
sa pag kaka alam kosa coins.ph e tama ka sir the next day kana makaka cashout ulit ng 50k. simula nung nag uumpisa akong gumamit ng coins.ph ganon na ata limit nila since 2017, tsaka ganun naba talaga sa cebuana kahit sa simula palang any idea sa mga matagal nang gumagamit ng coins.ph app?

Hello po! Just to clarify lang po, ang inyong cash out transactions ay magdedepende sa inyong account limits

Ang limit po bawat Cebuana cash out transaction ay P50K. Ngunit, kapag kayo ay address-verified na may account limits na P400k, maaari po kayong gumawa ng multiple Cebuana cash outs as long as pasok pa po ito sa inyong limits.