Tingin ko sapat na ang forum na ito. Di na kailangan pang gumawa ng bago na pang pinoy. Bakit? Ang bitcoin ay bukas sa lahat. Bakita pa kailangan bumukod? Para maging sentralisado at maayos? Hindi forum ang solusyon para sa paglaganap ng kaalaman ng isang bansa sa bitcoin. Inter aksyong pisikal, mga aktwal na paggamit sa totoong buhay ang dapat. Subukan nyo kaya gumawa ng vending machine na tumatanggap lang ng crypto tapos ilagay nyo sa mataong lugar sa mga syudad. May pondo na kayo diba? Dun nyo sana gamitin nang mapakinabangan. Si satoshi nakamoto hindi nanghikayat ng kung sino para sumali dito, mga tao ang nacurious at sumali. Gawin nyo na lang trabaho nyo at kung may kabuluhan nga yan, kahit di kayo manghikayat sigurado dadagsa ang lalapit sa inyo.
Sumasang ayon ako dito hindi natin kailangan gumawa ng sariling forum sa tingin ba nyo magkakaroon ng bagong kaalaman ang mga sasali jan kumbaga may magbabato ba ng mga news na magganda at about lahat sa crypto para sa akin sapat na itong forum na ito at hindi na kailangan pang sumali sa iba dito palang sapat na ang impormasyon na nakukuha namin, atsaka dito din naman nagtutulungan tayo, kahit may sarili kayong coin at walang sapat na pondo walang mangyayari, kasi madaming tao iisipin bakit kayo nagtayo ngsarili nyong forum para magkapondo sa inyong proyekto? think about it kaya lalong sumasama ang tingin ng madaming bansa sa mga Pilipino.