Hindi lang mga apps sa phone ang prone, meron din mga PC apps na merong mga miner. Nabalitaan ko dati na ang ccleaner ay nagkaganun din pero hindi agad nila ito pinatagal at naglabas agad sila ng update patungkol dito. Ang tip ko ay kung gusto niyong magdownload ng mga apps ay magresearch muna kayo ng maigi at magtanong tanong sa mga forums or groups sa fb kung okay ba itong apps na ito. Mahirap na ang panahon ngayon, baka hindi lang miner ang laman ng mga yun kungdi mga virus na makikita ang info ng isang phone kaya kailangan doble ingat.