Bakit nga ba masama tingin satin mga Pinoy lalo na dito sa forum? Dahil tingin nila after lang tayo sa easy money. Maaring medyo totoo pero di naman lahat diba?! Pero itong project na ito na aking naresearch, nakakahiya man ay tatak pinoy, sobrang obvious na gusto ko sanang ipost ito sa Altcoin thread pero nakakahiya kaya dito nalang sa thread natin pinoy. Mabisa na din itong paraan para ialerto mga baguhan sa ICO..
Check nyo ang Crypto Duel Coin. Kitang kita na ito ay scam na project sa team profile palang at mapapansin nyo na karamihan ay pinoy ang miyembro (sana naman di talaga aware un mga babaeng ginamit na photo).Ang CEO na si Lee Ufan ay isang 82 years old Japan National Artist, masyadong obvious na sa kanyang estado ay hindi sya into cryptocurrency. Samantalang picture ng programmer na si Keizan Oliver Ramos ay poorly photoshop at kung titingnan mo facebook profile nya malalaman mo pagkakaiba.
Sa mga nakakakilala sa miyembro ng team na ito lalo na un mga babae maari natin silang iheads up. Kawawa naman kung nadamay lang sila.
Sa mga baguhan, ito ang sample ng scam project. At isa pang hint, hwag sasali sa kahit na anong self drop ICO dahil majority ay scam lang.