Post
Topic
Board Pilipinas
Re: MOST COMMON QUESTIONS [FILIPINO GUIDE]
by
finaleshot2016
on 01/09/2018, 16:03:52 UTC
Q - Sa tingin ko ang post ko ay wala namang nilalabag na rules pero nabura, ano ang dapat kong gawin?


A - Kadalasan talaga ito ay paglabag ng rules kahit di mo napapansin. Ang staff ang may kakayahan para makita kung ang post mo ay masasabi ba talaga spam o hindi. Kung sa tingin nila spam yun then ganun talaga ang buhay

Sa mga nagtataka kung bakit nade-delete pa din ang mga post niyo kahit sobrang haba na ng gawa niyo ay sa kadahilanang rephrased or kinopya niyo lang ang thought sa mga naunang reply.

Gumagawa lang kayo ng mga post na ina-assume niyo nalang na may experience ka sa ganong bagay (kahit wala), para saan? pangdagdag post/activity/task. Hindi naman kasi magde-delete ang mga moderator natin ng mga posts kung hindi ito nakikitaan ng paglabag sa rules. Minsan yung ibang members dito nagtataka pa bakit daw nawawala yung posts pero kung babasahin mo lahat ng posts niyo, napaka-common ng replies at sobrang dali lang ng thought or yung gustong iparating. Kasi kung ikaw magrereply/post ka na nga lang, syempre yung may sense na diba? May kanya kanya naman tayong utak pero bakit hindi natin pagisipan ang mga bagay at magbigay ng opinyon na maaring makalutas sa naturang topic.

Ang mga moderator nagbibigay ng Bad reports yan kung ang ni-report mo ay hindi karapat dapat madelete. Pero kung nakikitaan na agad ng moderator na paulit-ulit lang ang sinasabi hanggang sa huling nag-reply, doon na nalo-locked ang topics.  Wink