https://news.bitcoin.com/philippine-sec-publish-draft-crypto-exchange-regulations-next-week/Ayon sa News Bitcoin maglalabas ang SEC ng mungkahi o pagkalap tungkol sa Crypto Exchange. Damay dito ang Coins.PH na mayroong exchange na CX Pro Asia.
Nakapaloob din dito ang mga regulasyon sa pag uumpisa ng ICO na kamakailan lang maraming napabalitang may mga naglabasang ICO sa Mindanao at Metro Manila.
Kailangan nating maging maalam sa paggamit ng crypto para malaman natin kung tayo ba ay lumalabag na sa batas o regulasyon ng Pilipinas.
Abangan natin ang kanilang pahayag sa susunod na linggo ukol dito.
Sana maging patas at tama ang kanilang pagpapatupad at huwag sana nilang isang tabi ang mga Pilipino na walang trabaho at umaasa lamang sa crypto.
Nangangamoy tax na talaga ang crypto currencies dito sa pinas, unang hakbang palang nila yan sa pag intervine sa mundo ng crypto, hindi malayong mangyari na pati mga crypto holder ay lagyan na rin ng buwis ng mga yan, sana sa mga nag lalaunch ng ICO lang nila ipatupad yang mga binabalak nilang regulations kasi pag dinamay nila tayo jan iisipin ko talaga hindi kapakanan natin ang inisisip nila kundi malagyan lang ang kanilang bulsa sa pamamagitan ng crypto, pero kung sa mga ICO lang nila ipapatupad yan edi mabuti ng maiwasan ang mga scam ICO dito sa pinas.