Sa tingin nyo ba worth it pa ang mag mining?
Para sa mga nagbabalak mag mina at bumili ng mga GPUs o kung ano mang gamit nyo sa pagmimina , pakaisipin at pagmunimunihan nyo ng maraming beses kahit isang libo pang beses. Bakit ba marami na ang nagbebenta ng mga second hand ng GPUs? Marami kasi na nalugi , una dahil sa dumadami na ang mga nagmimina ng bitcoin or ng ethereum nagkakameron ng difficulties sa pagmina, imbes na patubo ka ay palugi. Pangalawa ay lugi ka pa sa pupuhunanin mo lalo na at pagkamahal ng kuryente at mura ngayon ang mga minimina mo. Mapapaisip ka na lang ng sana ibinili mo na lang ng ethereum.
Tama ba ako? Ang pagmimina lamang ay para sa mga may company lang? Kasi kung maliit lang puhunan mo para doon. Matagal tagal an gugulin nung oras.
Isiping mabuti ang mga bawat aksyon dahil hindi lang basta basta napupulot ang pera.
P.S. Baka may magalit sa post ko gusto ko lang makatulong sa mga baguhan sa mundo ng crypto, I'm just sharing my point of view , don't take it personally.
Well, tama ka naman talaga di ganun ganun ang kumita ng pera sa panahon ngayon.Halos nga ung iba kapit patalim na ung ginagawa mapakain lang ang pamilya eh., kaya dapat talagang pakaisipin ng mabuti kung bibili ka ng isang bagay o isipin kung talaga may silbe at maggogrow ung pera mo sa gagawin mo. Kailangan na ngayon ay wais ka sa lahat ng aspeto.