Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SCAM ALERT: Mag-ingat tayong mga Pinoy!
by
burner2014
on 12/09/2018, 13:57:21 UTC
Kumalat na kase ang mga scammers ngayon, kaya dapat sa atin ay mag doble ingat kailangang secure ang password at private keys para hindi nila ito mapasok. Sayang lang ang pinag hirapan natin at iba ang nakikinabang.

Ang iba kasi gusto magkapera sa mabilis na paraan kaya minsan mabiktima ng scam. Dapat magsaliksik ng maagi kapag may mag-aalok ng mabilis na return of investment at nanghihingi ng pera para maka invest. Iwasan ma phised sa kahit anong mensahe na mag pop up sa screen ng computer. E secure ng mabuti ang pinkeys at wag basta2x magtiwala kahit kanino.

dyan kasi mahilig ang mga pinoy sa mga easy money tapos kapag naloko panay ang daing, panay iyak. mga hindi natututo sa mga pangyayari. walang naman madaling pera lahat ay pinaghihirapan, sa lotto meron nun. sabi nga kapag madali mo raw nakuha ang pera mabilis rin itong mawawala sayo

dipende sa paggamit ng pera sir kahit pa sa madaling paraan mo ito nakuha, nasaiyo parin ang desisyon kung paano mo gagamitin ang perang nakuha mo. hindi na natin maiiwasan na maraming scammer kasi likas na mapanglamang ang ibang tao sa kapwa nila.